Monday, June 12, 2006

reality sinks in..

linoloko ko lang ata ang sarili ko. eto na naman late reaction na naman ako. feeling ko kaya ko. siguro matututo ako. wala namang masama kung i-try ko lang. pero shet reality is sinking na. iiwan na nila ako. takte. hindi ko ata kaya. etong isyu lang sa aming "unfriendly" neighbor, hindi ko na kaya nang wala ang ate ko o kaya si igi. shet mamimiss ko sila. nahihiya akong sabihin. takte. hindi kasi ako mushy. bakit ba ang late reaction ko palagi?!?!?! kagabi, nung nagtotooth brush ako, may naririnig ako na wak-wak... &*$@&^($&) hehe tapos siyempre takbo ako kay ate. pag tingin ko haha nandun din si igi.. tapos ang kulit namin. narinig rin niya yung mga kakaibang sounds. so habang pinapatay namin ang ilaw, para kaming tag team. ill watch your back, you watch mine! hehe. hay. mamimiss ko talaga sila. pati siyempre si mama at si papa. silang lahat! bad trip. kelangan strong front palagi kahit na deep inside, sumasabog nako dahil alam kong mamimiss ko sila at kelangan ko sila.

kakaibang experience din siguro ang mawalay sa pamilya. sorry baka isipin niyo na ang hina ko naman eh marami namang taga probinsya na iniwan ang pamilya pansamantala para mag-aral dito sa manila. pero ewan ko iba kasi.. sila ang aalis tapos ako ang maiiwan. o rather nagpaiwan. kasi dati silang kasama ko sa bahay na ito, tapos aalis sila. buti nalang makakasama ko si kim. shet reality sinks in. independent kuno pero shet kaya ko ba na magcommute araw-araw papuntang makati at umuwi sa bahay ng super late nang mag-isa. kaya ko bang i-handle ang household, ang mga bills etc. im growing up... siguro okay nga na experience to. alam kong mahihirapan ako at matututo ako to be independent. pero ang takot ko lang, na sa huli marerealize ko na hindi pala worth it ang lahat ng ito. hmm cguro it's too early to say di ba.. subukan ko nalang siguro muna. yun lang. natatakot ako. sobra.

----------
naalala ko lang nung nag-retreat ako dati. tapos mag-isa ako sa kwarto. 2 araw akong hindi nakakatulog at takot na takot. kung anong naiimagine. ayoko talagang matulog nun kasi sobrang nababaliw na talaga ako. tapos nung isang gabi, after ng isang magandang confession, ang dami kong narerealize tungkol sa Diyos. naramdaman ko na mahal niya ako. dati alam ko lang.. pero ngayon, naramdaman ko talaga. iyak ako ng iyak. tapos nung natulog ako nung gabi na yun, feeling ko yakap niya ako. shet sounds cliche noh. pero seryoso para akong may shield nung gabi na yun at sa mga susunod pa na gabi. parang dun sa harry potter - hindi siya nasaktan ni voldemort dahil he was protected ng selfless love ng mother niya. (siyempre nag reference pa eh). yun. wish i could feel that now.

No comments: