
Wala lang Benta movies have lately been my obsession. Although there was a time when I was obsessed with art films, kudos to Fr. Nick and the hotness Gael Garcia Bernal. Hehe. Pero ngayon yung mga mindless flicks na! Wow at parang mejo nagregress ako ah. How can you spot a Benta movie? Yun yung tipong maluha-luha ka na sa kakatawa. Yung tipong kinakabag ka na. Yung tipong hindi mo makalimutan kahit naka-ilang araw na ang nakalilipas. Natatawa ka pa nga MAG-ISA kapag naalala mo ang isang specific scene. Pwedeng isang WTF na sitwasyon, isang solid na delivery, isang What a face!.. Maraming variations. Pero please ayoko ng Pinoy slapstick ah. Basta kahit feeling seryoso ka, hindi mo matitiis, kailangan mo lang ilabas. HAHAHAHAHAHAHAHAHA.
Anyway, kakapanood ko lang ng MANAY PO! At shux grabe ang KULIT!!!! HAHAHAHAHAHA. Sobra. Shet Benta si Cherry Pie (Bikini Open, Ako Legal Wife). Ang kulit niya sobra. HAHAHAHA What a face mag-deliver ng lines. I still remember sa Bikini Open kung saan she played a nosy reporter to the point na pati ang mabahong banyo ay shinoot niya! Tapos sa Ako legal wife, with the Bisaya accent na trying hard to be sosyal! Shet kabag. Tapos dito naman sa Manay Po, ANO BA?!?! Mayroon na naman siyang quirk (hint: thicret thana pero at leath thana mahulaan niyo) at syempre What a face moments.
Benta din si John Prats. Ang kulit ng mga first scenes kung saan ipinapakita ang kanyang mga achievements. At feel na feel ang kanyang pagtakbo! Sige John takbo pa! Hay kahit bakla ka John, ang hotness mo! hehe. Benta din ang mga hirits ni IC Mendoza. Go Team tlga. HAHAHAHA Ang galing ng punchlines! Benta din si Giselle Sanchez! Benta din yung what a face na maid na sosyal! Benta din si Christian Vasquez and his macho body. Hay kabag ulit. Hay basta i recommend na panuorin ng lahat ng gusto matawa. bawal ang KJ!
Hmm which got me thinking.. Baka may mga benta movies kayong alam?!?!?!.. Please add to my list sa mga must-see benta movies. bawal ang deeper meaning of life dito sorry. Gusto ko lang tumawa at kabagin.
(not in any particular order)
1. Just Friends (Ana Faris! Benta ka!)
2. Bikini Open (Hi! Im ---- from Marikina! [tumalikod at bumalik ulit].. City!)
3. Pedro Penduko (Yes Janno Gibbs)
4. Ako Legal Wife (Cherry Pie!)
5. Bubble Boy (ooh Jake Gylenhaal and fayv handred dollah!)
6. My Big Fat Greek Wedding (bund.. bonk.. BUNT!)
7. Manay Po
Hmm actually meron ding mga BENTANG TV shows like Friends, Arrested Development, Nuts Entertainment, Whose Line is it Anyway?... Hahahaha natatawa na ako. Tipong walang paltos. Bawat episode guaranteed na matawa ako.
Hay basta gusto ko lang tumawa.
No comments:
Post a Comment